2 magsasaka nagpatayan

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Bulagta ang isang magsasaka habang malubha naman ang kabaro nito makaraang magtagaan dahil sa pinag-awayang lupaing sinasaka sa Sitio Pakili, Barangay La Purisima sa bayan ng Bula, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Abner Olleres ng Barangay Casugad habang ginagamot naman sa Rinconada Medical Center si Rolly Sesno, 32, kapwa magsasaka at nakatira sa Barangay Payak, bayan ng Bato, Camarines Sur. Sa ulat ng pulisya, nagkasalubong sa kalsada ang dalawa kung saan sumiklab ang mainitang pagtatalo kaugnay sa lupang sinasaka hanggang sa maganap ang insidente bandang alas-3:30 ng hapon.

Show comments