^

Probinsiya

Pulis-QCPD patay sa drug ring

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines   â€“ Napatay ang beteranong pulis na bagong assign sa QCPD habang sugatan naman ang dalawa nitong kasamang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency matapos tambangan ng mga di-kilalang lalaki na sinasabing drug syndicate sa Bacoor City, Cavite kahapon ng mada­ling araw.

Sa inisyal na ulat na nakarating kay P/Supt. Rommel Estolano, hepe ng Bacoor City PNP, lulan ng Toyota Innova ang biktimang si SPO3 Alejandro Ame habang tatlo nitong kasamang sina PO1 Leonard Sayagadoro, PDEA informer Alvic Martin at si PDEA agent Ramiro de Guzman ay sakay naman sa SUV nang ratratin ng mga armadong grupo na lulan ng motorsiklo at van pagsapit sa kahabaan ng Molino Road sa Barangay Molino 3 sa nasabing lungsod.

Gayon pa man, nagawang makapanlaban ng mga biktima kaya nasugatan ang isa sa grupo ng drug ring pero binitbit ng mga kasama bago nagsitakas.

Sugatan naman sina PO1 Sayagadoro at Martin habang nakaligtas naman si Ramiro na sinasabing nagsasagawa ng surveillance operation.

Samantala, sa pahayag naman ni P/Supt. Norberto Babagay, hepe ng QCPD Station 4, si SPO3 Ame ay itinalaga sa kanyang himpilan noong Mayo 5 mula sa PNP Region 2 subalit hindi pa nagpapakita hanggang sa mapatay ito.

 â€œAng totoo, in-asign siya sa ‘min mula sa Region 2 thru paper lang, pero mismong siya (SPO3 Ame) ay hindi ko pa nakikita sa opisina,” dagdag pa ni P/Supt. Babagay

“Gusto ko lang malaman nila na, oo nga taga QCPD si SPO3 Ame pero wala kaming alam na may lakad siyang ganoong ope­rasyon,” paliwanag ni P/Supt. Babagay

Binigyan naman ng isang linggong palugit si SPO3 Ame para ayusin ang assign paper pero nabigo ito kaya inilagay sa absence without leave (AWOL) status. Dagdag ulat ni Ricky Tulipat

ALEJANDRO AME

ALVIC MARTIN

BABAGAY

BACOOR CITY

BARANGAY MOLINO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

LEONARD SAYAGADORO

MOLINO ROAD

NORBERTO BABAGAY

RAMIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with