Biyudo, dalaga kinatay ng magsasaka

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinaniniwalaang matin­ding selos ang isa sa motibo kaya pinagtataga at napatay ng magsasaka ang 57-an­yos na biyudo at kasamang dalaga sa Barangay Puro, bayan ng Placer, Masbate kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Dominador Artezuela, magsasaka; at Efepania Mondillo na kapwa nakatira sa Barangay Osmeña, bayan ng Cataingan, Masbate. Sa ulat ng pulisya, magkasabay na naglalakad ang mga biktima nang harangin at pagtatagain ng suspek na si Velmor Atibagos. Kaagad namatay ang dalaga habang ang biyudo ay idineklarang patay sa Cawayan Hospital.

 

 

 

Show comments