MANILA, Philippines - Naging mitsa ng buhay ng 36-anyos na mister ang pangunguryente ng palaka matapos na aksidenteng mahawakan nito ang GI pipe na nakakabit sa poste ng kurÂyente sa Barangay Pogo, bayan ng Bautista, Pangasinan kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Sterling Blanco, PNP director ng Pangasinan, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi noong Biyernes habang nangunguryente ng palaka ang biktimang si Roberto Lacern sa di-kalayuan sa kanyang bahay. Nagawa pang maisugod sa Bayambang District Hospital subalit namatay din ang biktima dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente na pumasok sa kanyang katawan.