^

Probinsiya

Bus swak sa bangin: 27 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawampu’t pito-katao ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Pilar, Sorsogon kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga nasu­gatan ay sina Harry Zaragosa, 9; Shella May Salsuela, Abby Zaragoza, 49; Daniel Lotinya, 43; Michael Campomines, 24; Albert Lomo, 29; Armie Lomo, 7; Raquel Palania, 31;  Kim Rica Lomo, 9; William Muga, 32; Nely Lutero, 45; Noel Melgar Cabag, 39; Elmer Lopez,19; Mark Jay Mallio, 11;

Abbygail Mallio, 14; Vicente Dumasayao, 41; Mark Joseph Burgador, 11; Alberto  Burgador at iba pa.

Nabatid na ang batang si Zaragosa ay napinsala ang kaliwa’t kanang mata kung saan naisugod naman sa Bicol Regional Training Hospital sa Legazpi City kasama ang iba pang sugatan.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Inspector Rozalito Dulongtap, hepe ng Pilar PNP, naganap ang sakuna sa kahabaan na highway sa Barangay Nasti bandang alas-6  ng umaga.

Ayon kay Dulongtap, patungo sa bayan ng Donsol, Sorsogon mula sa Manila ang Pamar Bus Line (UVC -967) nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver pagsapit sa paibabang bahagi ng matarik na highway.

Dahil dito ay tuluy-tuloy na bumulusok ang bus sa may limang talampakang bangin sa tabi ng highway.

Sa lakas ng pagkakasalpok  ng bus sa ibabang bahagi ng bangin ay nasugatan ang 27 biktima.

ABBY ZARAGOZA

ABBYGAIL MALLIO

ALBERT LOMO

ARMIE LOMO

BARANGAY NASTI

BICOL REGIONAL TRAINING HOSPITAL

BURGADOR

CHIEF INSPECTOR ROZALITO DULONGTAP

DANIEL LOTINYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with