6-taong-gulang patay sa pananambang

MANILA, Philippines – Ligtas ang isang pulis at ang kanyang asawa sa pananambang nitong kamakalawa sa bayan ng Midsayap, Cotabato ngunit sa kasamaang palad ay nasawi ang kanilang anim-na-taong-gulang na anak.

Sakay ng motorsiklo, patungo lamang sina PO3 Manuel Pintoy, asawang si Jennifer, at anak na si Jonas sa kanilang kamag-anak nang parahin at paputukan sila ng mga armadong kalalakihan.

Nakipagpalitan kaagad ng putok si Pintoy dahilan para umatras ang mga suspek.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Jonas, habang nagpapagaling pa sa ospital ang mag-asawa.

“We are now investigating on who owns the motorcycle the gunmen left in the scene. It is a good lead to start with,” wika ni Midsayap police chief Supt. Reinante Delos Santos.

Show comments