QUEZON , Philippines - Malubhang nasugatan ang mag-ama makaraang tambangan ng mag-utol dahil sa matinÂding away sa lupa, kamaÂkalawa ng umaga sa Barangay Caigdal, bayan ng Unisan, Quezon.
Naisugod sa Gumaca District Hospital ang mag-amang sina Angel Tano, 48; at Mark John Tano, 11, kapwa nakatira sa Barangay Cabulihan, bayan ng Pitogo,Quezon.
Pinaghahanap ng pulisÂya ang mag-utol na suspek na sina Villaning Tano at Consiano Tano na kapwa utol ni Angel.
Lumilitaw na magde-deliver sana ng mga proÂduktong petroleum sa Barangay Poblacion ang mag-ama kasama ang tatlo pa nitong kamag-anak lulan ng multicab nang ratratin ng mag-utol na lulan ng motorsiklo pagsapit sa kurbadang kalsada.
Nakaligtas naman ang tatlong iba pang sakay ng multicab at tanging ang mag-ama lamang ang napuruhan.
Sa tala ang pulisya, noong nakalipas na buwan ay nakaligtas na rin si Angel sa tangkang pagpatay sa kanya ng mga suspek kung saan kinasuhan niya ang mga ito.