Jailbreak: 3 preso pumuga

BACOLOD CITY , Philippines  â€“ Tatlong preso ang pumuga mula sa detention cell ng himpilan ng pulisya sa  Bago City, Negros Occidental matapos wasakin ang pintuang bakal ng kulungan noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Arnel Arpon, hepe ng Bago City PNP, ang mga pugante na sina Giovanne Isubol, Emil Pacheco, kapwa nakatira sa Barangay Caridad; at si Leo­nardo Ramos, 32, ng Barangay Calumangan, Bago City. 

Sa tala ng pulisya, sina Isubol at Pacheco ay nahaharap sa kasong robbery habang si Ramos naman ay kasong pagnanakaw. 

Base sa pagsisiyasat, isa sa preso na sinasabing gumamit ng nailcutter para mabuksan ang padlock ng pintuang bakal ng kulungan kung saan magkakasunod na pumuga. 

Makalipas ang dalawang araw ay naaresto naman sina Isubol at Pacheco sa nasabing barangay habang patuloy namang tinutugis ang isa pang pugante.

Napag-alamang hinihintay na lamang ang court’s commitment order para mailipat sa Negros Occidental District Jail ang tatlo.

 

Show comments