NORTH COTABATO, Philippines - – Isa na namang brodkaster ang napatay makaraang ratratin ng riding-in-tandem assassins sa panibagong media killing kahapon ng umaga sa Digos City, Davao del Sur.
Kinilala ng Digos City PNP ang biktima na si SaÂmuel “Sammy†Bravo Oliverio, 57, blocktime radio commentator sa University of Mindanao Broadcasting Network (UMBN) at Ukat Radio.
Si Oliverio ang ika-28 mamamahayag na naÂpasÂlang sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy†Aquino.
Sa ulat na nakaraÂting kay P/Supt. Querubin Manalang, hepe ng Digos City PNP, naganap ang pamamaslang sa kahabaan ng del Pilar Street dakong alas-7 ng umaga.
Lumilitaw na papauwi na ang biktimang nakamotorsiklo kasama ang kanyang misis mula sa palengke nang tabihan at pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins.
Nabatid na nagmamadali ang biktima dahil hinahabol nito ang kaniyang pang-umagang programa sa nasabing radio station simula alas-7 hanggang alas-8 ng umaga.
Napag-alaman din na ang biktima ay blocktime commentator ng city government ng Davao del Sur.
Sinabi ni Manalang na ang biktima ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng cal. 45 sa ulo at isa naman sa leeg habang mabilis namang nagsitakas ang gunmen na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa nasabing lugar.
Sa tala ng pulisya, si Oliverio ang ikatlong reporter na pinaslang sa Digos City, simula noong 2006 kung saan ang unang biktima ay si Armado Pace habang si Nestor Bedolido naman noong 2010.
Iniimbestigahan ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ang pamamaslang sa biktima na sinasabing kilalang matapang na birador ng mga personalidad na sangkot sa illegal gambling at illegal drugs.