Jail warden, kaibigan hinoldap

NUEVA ECIJA , Philippines   â€“ Natangayan ng malaking halaga kumulang ang babaeng jail warden at kaibigan nito makaraang holdapin ng dalawang armadong lalaki habang naglalakad sa bahagi ng Barangay Sto. Cristo Norte, Gapan City, Nueva Ecija, kamakalawa ng hapon. Nakilala dalawa na sina Jail Chief Insp. Cristina Castillo, 41, may-asawa, ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP); at Elsa Sivelleja, 52, trader, may-asawa, at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa police report, magkasamang naglalakad ang dalawa patungong Maharlika Highway nang harangin at holdapin ng dalawang di-kilalang lalaki bandang alas-5:45 ng hapon. Hindi na nakapalag ang magkaibigan dahil sa kapwa armado ng baril ang mga holdaper kung saan tinangay ang shoulder bag ni Castillo at mga alahas at cash naman kay Sivelleja.

 

Show comments