Tulak arestado

BULACAN, Philippines – Bagsak kalaboso ang isang pinaghihinalaang notoryus na tulak ng droga matapos masakote ng mga awtoridad sa buy bust operation sa Brgy. Pulong Gubat, Balagtas, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Angelo “Anjo”  Enriquez, 25 anyos, residente ng Brgy. Sta. Cruz, Guiguinto, Bulacan.

Nasamsam sa pag-iingat nito ang P40,000 halaga ng shabu.

Base sa ulat ni  Chief Insp. Voltaire Rivera dakong alas 6:30 ng gabi  ng masakote ang hindi na nakapalag na suspek sa lugar matapos namang i-tip ng isang police asset.

Bago ang buy-bust ay nagsagawa ng surveillance operation ang pulisya.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang na­sabing suspek.

 

Show comments