MANILA, Philippines – Pitong hektarya ng lupa ang ibibigay ng Archdiocese ng Leyte bilang donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Sinabi ni Palo Archbishop John Du ngayong Biyernes na gagamitin ang lupa para gawing relocation site.
Ipapamahala ng Archdiocese of Palo ang tatlong hektarya sa gobyerno upang gawan ng mga bahay, habang ang nalalabing apat ay pamamahalaan ng simbahan at ng mga non-government organizations.
Pinasalamatan din ni Du si Pagadian Bishop Antonieto Cabajar, ang Diocese of Tagum at ang Archdiocese of Cagayan de Oro dahil sa pagpapadala ng mga karpintero upang masimulan ang mga proyekto.
"Ang problema namin ngayon ay manpower. Kulang ang mga karpintero. I'm very thankful sa mga taga Pagadian, si Bishop Cabajar. Nagpadala dito ng five batches of carpenters to take care of the carpentry works sa mga houses. And also Davao del Sur, also sa Cagayan in doing some of the works,†pahayag ng arsobispo.
"They sent manpower for the repair and relocation. Maganda ang cooperation. So more or less, six months, parang at least very few na lang yung talagang hindi pa na-repair," dagdag niya.