Trader ni-rape slay ng tinedyer

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng negosyanteng misis matapos itong halayin ng 17-anyos na lalaki ay pinagnakawan pa saka pinagpapalo ng bato sa ulo at itinapon sa abandonadong tunnel sa liblib na bahagi sa Barangay Opong, bayan ng Tagana-an, Surigao del Norte kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Elizabeth Horbuda, 47, ng Sitio California sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay Caraga PNP spokesman P/ Supt. Martin Gamba, naganap ang krimen sa nasabing sitio kung saan hinarang ng suspek ang biktimang naglalakad. Kinaladkad ang biktima patungo sa damuhan saka hinalay ng suspek kung saan hindi pa nakontento ay pinukpok pa ng bato sa ulo. Sa follow-up operations ng pulisya ay naaresto naman ang suspek kung saan nasamsam ang cellphone at pares na tsinelas ng biktima.

 

Show comments