MANILA, Philippines - Halos napisak ang katawan ng 5-anyos na babae makaraang masagasaan ng pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway sa Dapitan City, Zamboanga del Norte kamakalawa. Kinilala ang batang napisak na si Reah Balladares Dagpin ng Barangay Sulangon kung saan idineklara itong patay sa Dr. Jose Rizal Memorial Hospital. Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang tumawid ang bata habang paparating ang Rural Transit Bus (JVL -185) na minamaneho ni Gilgar Dagpin, 49, ng Lala, Lanao del Norte. Ang nasabing bus ay patungong Ozamis City mula sa Dipolog City nang maganap ang sakuna.