30K residente ng Tacloban nananalagi pa rin sa 'danger zones'
MANILA, Philippines – Anim na buwan matapos hagupitin ng bagyong “Yolanda†ang Eastern Visayas, aabot sa 30,000 katao ang naninirahan pa rin sa “danger zones†ng Tacloban City.
Sinabi ni Tacloban City shelter cluster coordinator Mariya Lagman na nasa 3,000 pamilya ang naninirahan sa mga makeshift homes, habang 770 naman ang nasa mga tent malapit sa dalampasigan.
Dagdag niya na may 500 pamilya pa ang nasa mga evacuation centers, upang pumatak sa 4,270 pamilya ang wala pa ring maaayos na tirahan.
"Our target is to move them (families) within the next two months. We will relocate them and no one should be left behind especially those living inside tents," pahayag ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.
"Our priority are people's lives, not the airport and buildings, but the people. They are still living in tents and this should be addressed."
Nananawagan si Lagman ng karagdagang tulong para magkaroon ng matitirahan ang mga nasalantang mga pamilya.
"We need more help for Tacloban City especially for shelter and livelihood support."
Nobyembre ng nakaraan taon nang bayuhin ng pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng bansa ang Eastern Visayas kung saan pinakamalalang natamaan ang lungsod ng Tacloban.
Sa huling pagtataya ng National Risk Reduction and Management Council ay hindi bababa ng anim na libong katao ang nasawi.
- Latest