CPP-NPA Secretary timbog
MANILA, Philippines - Bumagsak sa pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang pinaghihinalaang Communist Party of the PhilipÂpines-Secretary (CPP-NPA) sa isinagawang opeÂrasyon sa Brgy. San Roque, Tampakan, South Cotabato nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ni Captain Alberto Caber, Spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Command ang nasakoteng opisyal ng mga rebelde na si Felix Armodia alyas Ka Jing /Jade, CPP-NPA Front Secretary, wanted sa kasong murder, illegal detention, robbery with violence at iba pa.
Ayon kay Caber ang grupo ni Armodia ay aktibong nag-o-operate sa talamak na pangongotong sa mga negosÂyante at residente sa mga lalawigan ng Davao del Sur, South Cotabato at Tulunan, North Cotabato.
Bandang alas-12:45 ng hapon nang masakote ng tropa ng Philippine Army at ng pulisya ang suspek sa Brgy. San Roque, Tampakan ng lalawigang ito matapos na i-tip ng isang informer.
Sinabi ni Caber na ang grupo rin ni Armodia ang responsable sa serye ng mga pag-atake sa mga plantasyon at construction firms sa Central Mindanao na nagmaÂmatigas magbayad ng revolutionary tax sa NPA movement.
- Latest