MANILA, Philippines - Umiskor ang tropa ng Philippine Marines makaraang makubkob ang malaking kampo ng mga bandidong Abu Sayyaf sa isinagawang raid sa kagubatan ng Sitio Kan Jimao, Patikul, Sulu noong Lunes ng umaga.
Sa ulat ni Brig. Gen. Martin Pinto, commander ng 2nd Marine Brigade, dakong alas-5 ng umaga nang matisod ng kaniyang mga tauhan ang kampo ng Sayyaf kung saan sumiklab ang bakbakan bago nagsitakas ang mga bandido bitbit ang mga sugatan at napaslang na kadre.
Ang kampo ng mga bandido ay may limang kubo na maaaring pagkasyahan ng 100-katao na may mga bunkers at foxholes.
Nabatid na ang nasabing kampo ay pinagdarausan ng pagsasanay ng mga bandido partikular na sa mga bagong recruits.
Samantala, dito rin isinasagawa ang pagÂpplano ng mga bandido kapag may dudukuting mga dayuhan at maging ang mayayamang negosyante habang patuloy naman ang crackdown operations laban sa grupo ng mga bandido.