Mister nag-suicide sa X’mas light

Lake Sebu, South Cotabato, Philippines – Winakasan ng isang desperadong mister ang kaniyang buhay matapos itong magbigti gamit ang Christmas light na itinali nito sa kaniyang leeg sa Brgy. Tasiman ng bayang ito kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Corlos  Cabaobao, nasa hustong gulang , may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, nadiskubre ng misis ng biktima na si Dora Cabaobao ang nakabitay nitong mister sa loob ng kanilang bahay.

Isinugod pa ito sa ospital ng mga kawani ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) Region-12 subali’t idineklara ng dead on arrival. Isinasailalim na sa awtopsya ang bangkay ng biktima.

 

Show comments