Binata tinodas sa piyesta

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines – Nabahiran ng dugo ang isang masayang piyesta matapos na pagbabarilin ang isang 24 anyos na binata habang nanonood sa sayawan sa Brgy. Dugui, San Vicente, Virac, Catanduanes kamakalawa.

Nakilala ang biktimang si Antonio Tolentino, 24, binata, at residente ng Brgy Batong Paloway, San Andres, Catanduanes.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling araw habang ang biktima na dumayo lamang sa lugar at nanonood sa sayawan ng maganap ang insidente.

Sinabi ng mga testigo na tatlong lalaki ang bigla na lamang lumapit sa biktima na agad pinagbabaril sa ulo.

Duguang bumulagta ang biktima habang mabilis namang tumakas ang mga salarin.  Patuloy naman ang imbestigasyon sa kasong ito.

 

Show comments