^

Probinsiya

Chinese, Pinay trader utas sa riding-in-tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang negosyante kabilang ang isang Chinese ang nasawi matapos na paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang  riding in tandem na mga armadong salarin sa ambush sa provincial road, Brgy. Bugas-Bugas, Placer, Su­rigao del Norte kamakalawa ng hapon.

Kapwa dead-on-the-spot sa insidente  ang mga biktimang kinilalang sina Qiang Liu, 36, binata, negosyante, Chinese ng Brgy. Suyoc, Placer at Rizzel de la Cruz, 22, may asawa  ng Alegria ng nabanggit ring lalawigan.

Sa ulat, sinabi ni Supt. Martin Gamba, Spokesman ng CARAGA Police, naganap ang pananambang sa mga biktima sa kahabaan ng provincial road, Brgy. Bugas, Placer bandang alas-2:45 ng madaling-araw.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang  lulan ng KIA 2700 vehicle (15089-UV02) ang mga biktima patungo sa Brgy. Suyoc, Placer nang sundan ng riding-in-tandem na mga armadong kalalakihan at pagbabarilin pagsapit sa lugar.

Ang dalawang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siya ng mga itong dagliang ikinasawi.

Bago tuluyang tumakas ay nilapitan pa ng mga suspek ang mga biktima at muling niratrat upang ti­yaking hindi na mabubuhay pa ang kanilang target.

Narekober naman ng mga nagrespondeng ope­ratiba ng pulisya sa crime scene ang anim na cartridge at mga basyo ng bala ng cal 45 pistol, isang Le­novo cell phone, dalawang Cherry mobile phones, isang kulay kayumangging bag na naglalaman ng P29,500 cash, drivers license  at iba pa.

 

vuukle comment

ALEGRIA

AYON

BRGY

BUGAS

BUGAS-BUGAS

MARTIN GAMBA

QIANG LIU

SUYOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with