Alkalde sa Cagayan itinumba

File Photo

MANILA, Philippines – Isa sanang panibagong linggo ang sasalubong sa isang alkalde ng isang bayan sa probinsiya ng Cagayan ngunit sa kasamaang palad ay bala ang bumungad sa kanya.

Tinambangan ngayong Lunes ng umaga si Gonzaga Mayor Carlito Pentecostes Jr. ng mga hinihinalang rebelde.

Nasa flag-raising ceremony si Pentecostes nang pagbabarilin ng mga miyembro ng New People's Army.

Kasalukuyan nang tinutugis ang mga nasa likod ng krimen.

Show comments