2 babaeng pusher tiklo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Hindi na iginalang ng dalawang drug pusher ang Semana Santa matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Minanga, bayan ng Aparri, Cagayan noong Biyernes Santo.
 Sumasailalim sa tactical interrogation ng mga tauhan ni P/ Chief Insp. Mina Domingo, hepe ng Aparri PNP ang mga suspek na sina Evangeline Viernes, 27; at  Haydee Retotal, 38, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Nasamsam sa mga suspek ang plastic sachet na shabu at ang mark money na ginamit ng poseur-buyer sa buy-bust operation.

 

Show comments