13 NPA rebels sumuko

MANILA, Philippines - Labingtatlo pang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko sa tropa ng militar sa Brgy. Cabinuangan, New Bataan, Compostela Valley kahapon. Ayon kay Captain Ernest Carolina, Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division (ID), ang mga sumukong rebelde ay nagdesisyong bumaba sa kabundukan at sumurender sa tropa ni Army’s 66th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Michael Logico. Sa inisyal na tactical interrogation, sinabi ng mga nagsisukong rebelde na nagbalik-loob sila sa gobyerno matapos  na mapagtantong mali ang ideolohiyang kanilang ipinaglalaban. Kasalukuyan ng sumasailalim sa masusing tactical interrogation ang mga nagsisukong rebelde na pansamantalang hindi muna pinangalanan dahilan sa patuloy ang pagkumbinse ng mga ito sa kanilang mga kasamahan na talikdan na ang armadong pakikibaka.

Show comments