^

Probinsiya

Chief of staff ng bokal, itinumba

Dino Balabo at Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   â€” Biglang inagaw ni kamatayan ang buhay ng 40-anyos na chief of staff ng isang board member makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa naganap na pana­nambang sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga. Pitong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Edwin Inocencio ng Barangay San Sebastian sa bayan ng Hagonoy at chief of staff ni Senior Board member Michael Fermin ng 1st distrito sa Bulacan. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ng van ang biktima patungo sana sa bahay ni Fermin sa Northfields Subdivision sa Barangay Longos nang harangin at ratratin ng riding-in-tandem bandang alas-8 ng umaga kahapon. Lumilitaw na papasok sa gate ng nasabing subdivision ang van ng biktima nang maganap ang pananambang. Ilan naman ang nagsabi sa pulisya na isa sa dalawang gunmen ang lumapit pa sa biktima saka muling pinaputukan para matiyak na patay na ito. Kaugnay nito, sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa pulitika ang naganap na pamamaslang matapos ihayag ni Fermin na kakandidato ito sa 2016 bilang kongresista.

vuukle comment

BARANGAY BULIHAN

BARANGAY LONGOS

BARANGAY SAN SEBASTIAN

BULACAN

EDWIN INOCENCIO

FERMIN

MALOLOS CITY

MICHAEL FERMIN

NORTHFIELDS SUBDIVISION

SENIOR BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with