5-anyos nalunod sa pool

BATAAN , Philippines   â€“ Nagwakas ang kinabukasan ng 5-anyos na nene makaraan itong malunod sa swimming pool sa Mikaela’s Beach Resort sa Barangay San Benito, bayan ng Dinalupihan, Bataan kamakalawa ng gabi. Base sa police report, lumilitaw na nagkayayaang mag night swimming sa nasabing beach ang pamilya Linao kabilang na ang biktimang si Laurelyn Linao. Nabatid na nalibang ang pamilya Linao sa paghahapunan kung saan tumalilis ang bata saka naligo sa swimming pool na may lalim na anim na talampakan. Dito nagpulasan ang mga kasama ng bata nang hanapin ito kung saan namataan namang nakalutang sa pool. Mabilis namang sinaklolohan ng lifeguard sa nasabing pool ang bata bago dinala sa Bataan Peninsula Medical Center subali’t idineklarang patay.

Show comments