KIDAPAWAN CITY, North Cotabato , Philippines- Umaabot sa apat hanggang anim na oras ang nararanasang brownout sa Kidapawan City at iba pang bahagi ng North Cotabato ngayong papatindi na ang tag-init.
Sa pahayag ni Cotabato Electric Cooperative spokesperson Vincent Baguio, dahil sa patuloy na pagbaba ng level ng tubig sa mga planta ng Agus sa Lanao del Sur at bayan ng Pulangi sa Bukidnon dahil sa matinding init.
“Kung dati ang brownout ay umaabot lang sa isa hanggang dalawang oras, posible na tumagal ito ng mula anim hanggang walong oras,†pahayag ni Baguio
Napag-alamang kumukuha ng supply ng kuryente ang Cotelco mula sa Agus at Pulangi hydro-electric power plants ng National Power Corporation at sa diesel-fed power barges ng Therma Marine, Inc.
Subalit sa kakapusan ng suplay ng kuryente sa Mindanao, di-kayang tugunan ang pangangailangan ng Cotelco at ng iba pang electric cooperative sa buong isla.