Madre inatado sa monasteryo
CEBU CITY , Philippines – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 36-anyos na Franciscan makaraang pagtatagain ng isang lalaki na sinasabing may mental illness sa naganap na karahasan sa loob ng Ave Maria Franciscan Sisters Monastery sa Barangay Sacsac, bayan ng Consolacion, Cebu kamakalawa ng umaga.
Naisugod naman sa pribadong pagamutan sa Cebu City ang biktimang si Sister Annabel Macas na nagtamo ng matinding mga sugat sa ulo at leeg.
Arestado naman ang suspek na si Romilo Tampus, 26, ng Barangay Tulo-tulo sa nabanggit na bayan.
Palaisipan naman sa pulisya partikular na kay PO1 Rechie Gilleran kung saan at papaano nakapasok ang suspek sa nasabing monasteryo.
Isa sa mga teorya ng pulisya na nakapasok ang suspek matapos itong umakyat sa may 1-metrong taas na bakod sa likuran ng monasteryo.
Ayon pa sa pulisya, nagsimulang managa si Tampus sa mga madreng makasalubong nito maliban kay Macas na pawang nagpanakbuhan palabas ng monasteryo kung saan kasalukuÂyang may morning devotional sa chapel.
Ayon pa sa pulisya, itutuloy ng mga madre na kasuhan ang suspek kahit ito ay may kapansanan sa pag-iisip.
- Latest