MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 47-anyos na misis matapos itong pagtatagain ng kanyang utol na lalaki na sinasabing nairita sa katatalak sa Barangay Cararayan, Naga City, Camarines Sur kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Rosario Lucena habang pinaghahanap naman ang suspek na si Manuel Lucena. Sa ulat ng Camarines Sur PNP na nakaraÂting sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang ala-1:20 ng madaling araw kung saan nag-iinuman ang mag-utol nang maungkat ang lumang alitan na nauwi sa mainitang pagtatalo. Gayon pa man, galit na umalis ang suspek upang iwasan ang kanyang utol pero sinundan siya nito habang naglalakad at patuloy na tinatalakan. Sa puntong ito ay tuluyang nairita ang suspek at pinagtataga ang sariÂling kapatid hanggang sa mapatay.