North Cotabato nilindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang North Cotabato ngayong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang sentro ng lindol sa 21 kilometro hilaga-silangan ng Carmen, North Cotabato ganap na 9:18 ng umaga.

Sinabi ng Phivols na tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Naramdaman ang Intensity 2 sa bayan ng Carmen.

Wala namang naitalang pinsala ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks ang Phivolcs.

 

Show comments