61-anyos lolo na most wanted, timbog

LUCENA CITY  , Philippines  -  Nasukol na mga pulis ang isang 61-anyos na lolo na sinasabing may patung-patong na kaso ng panggagahasa sa lungsod na ito makaraang maaresto sa bahay ng kanyang kumpare sa Purok Maganda, Brgy. Gulang-gulang, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nadakip na si Geminiano Magaling alyas Lolo Gemi, may-asawa, ng Jael Subdivision, nasabing barangay at  itinuturing na number 7 sa talaan ng mga Most Wanted Person sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay PSUPT. Allen Rae Co, chief of police dito, dakong alas-9:00 ng gabi nang maaresto ng kanyang mga tauhan si  Magaling habang nakikipag-inuman sa kanyang hindi pinangalanang kumpare. Hindi na nakapalag ang suspek nang palibutan ng mga pulis na armado ng warrant of arrest na inisyu Judge Robert Victor Marcon ng RTC Branch 54 sa Lucena City.

Hindi na makakalaya ang suspek sa kanyang kinakaharap na kasong 2 counts of rape.

Show comments