BULACAN , Philippines - Hinihingan ng paliwanag ng Bulacan Alliance Against Graft and Corruption (BAAGAC) si Bulacan Congresswoman Marivic Alvarado sa umano’y paglalagak nito ng kanyang P10 milyon pork barrel sa sinasabing pekeng non-government organization.
Ayon sa nasabing grupo na higit na marami sanang mamamayang Bulakenyo ang mabibiyayaan kung ginugol ni Rep. Alvarado, asawa ng kasalukuyang gobernador ng Bulacan sa mga proyektong kapakipakinabang sa halip na sa Kaisa’t Kaagapay Mo Foundation na sinasabing kaduda-dudang organisasyon.
Nagtatanong ang pamunuan ng BAAGAC kung hindi alam ng kongresista na peke ang NGO, bakit anya hindi muna ito busisiin bago nagbigay ng pondo.
Umaasa ang mga BulaÂkenyo na ginugugol ng kanilang kongresista ang pondo sa tamang pagkakagastusan at hindi kung saan lamang napupunta.
Dapat din na tukuyin ni Rep. Alvarado kung sino ang nagrekomenda sa kanya ng nasabing foundation kaya pinondohan nito ng malaÂking halaga.