Sasakyan sa convoy ni Binay hulog sa Ifugao ravine; 4 sugatan

Bise-Presidente Jejomar Binay

MANILA, Philippines – Apat ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang convoy ni Bise-Presidente Jejomar Binay ngayong Biyernes sa Banaue, Ifugao.

Nakilala ang mga sugatang tauhan ni Binay na sina Sgts. Danilo Tamo,  Alexander Sicat, Corporal Alexander Solis at VIP photographer Ramon Campita.

Isinugod ang mga biktima sa Good News Clinic, ngunit nananatiling walang malay si Campita.

Ayon sa mga pulis, binabagtas ng Toyota Fortuner na minamaneho ni Tamo ang Barangay Mahhung nang maganap ang aksidente bandang ala-1 ng hapon.

Bumagsak sa sapa ang sasakyan matapos mahulog sa 15 metrong bangin.

Show comments