TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 36-anyos na magsasaka matapos gulpihin ng kainumang mister na inakalang lover ng kanyang misis sa Barangay Mambacag, bayan ng Tuao, Cagayan kamakaÂlawa.
Sa ulat na ipinalabas ni P/Senior Insp. Manuel Viloria, hepe ng Tuao PNP, pagod at gutom na umuwi ang suspek na si Benigno Panti nang hindi nito nadatnan ang kanyang misis na si Milagros sa kanilang bahay sa Barangay Lallayug.
Gayon pa man, namataan ng suspek ang biktimang si Rolando Ole na umiihi sa kusina ng bahay ng kanyang anak na babae kaya pinagbalingang gulpihin hanggang sa mapatay.
Nabatid na inakala ng suspek na lover ng kanyang misis ang biktima kaya isinagawa ang krimen.
Nabatid din na isinakay ng suspek ang bangkay ng biktima sa motorsiklo saka iniwan sa bahagi ng Brgy. Villalaida kung saan namataan naman siya ng testigong si Willy Tumanguil na nagsumbong naman sa pulisya.