Killer ng hukom, arestado

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng pangunahing suspek sa pagpatay sa isang hukom makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang operations kamakalawa ng gabi sa bahagi ng Sunrise Drive, Zamboanga City, Zamboanga del Sur. Bandang alas-3 :30 ng hapon nang masakote ang suspek na  Mohamad Alkhalidzz  Paradji Amisali sa nabanggit na lugar. Base sa police report, si Amisali ang itinuro ng tatlong testigo na bumaril at nakapatay kay Judge Renerio Estacio ng Zamboanga City Regional Trial Court Branch 14. Sa tala ng pulisya, ang biktima ay pinagbabaril sa kahabaan ng Narra Drive sa Brgy. Tugbunga, Zamboanga City.

 

Show comments