Mister kinasuhan ng misis, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Dinamdam ng 60-anyos na mister ang isinampang kasong krimen ng kanyang misis laban sa kanya kaya nagdesisyon itong magbigti sa likuran ng kanilang bahay sa Barangay Centro 2, bayan ng Luna, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Edgar Pattaui, hepe ng Luna PNP ang biktima na si Emmanuel Soriano na dating kawani ng lokal na pamahalaan sa nasabing bayan. Ayon kay Pattaui, lubos na nanibugho ang biktima matapos tumangging patawarin ito ng kanyang misis na nagsampa sa kanya ng kasong violence against women noong 2013. Nabatid din na tumangging iurong ang kasong pambubugbog na isinampa laban sa kanya ng sariling misis. Narekober ang suicide note sa tabi ng bangkay ng biktima na idinaing nito na gumastos na siya ng malaking halaga mula sa retirement benefits dahil lamang sa nakabinbing kaso niya.

 

Show comments