7 sundalo utas, 8 sugatan sa pagsabog sa Davao del Sur

File photo

MANILA, Philippines – Pitong sundalo ang nasawi, habang walo ang sugatan matapos maraanan ng kanilang sasakyan ang isang landmine sa Davao del Sur ngayong Lunes.

Sinabi ng tagapagsalia ng 10th Infantry Division ng Philippine Army na si Capt. Ernest Carolina na bandang alas-7 ng umaga nang paputukan ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army ang isang kampo ng mga sundalo sa Barangay Asbang, Matanao, Davao del Sur.

Dahil sa pag-atake ay nagpakalat ng isang pulutong ang 39th Infantry Battalion upang tugisin ang mga rebelde.

Sa kasamaang palad ay may natamaang landmine ang trak ng mga military na ikinasawi ng pinuno ng pulutong at iba pa.

Naniniwala ang mga opisyal ng military na may kinalaman ang bagong pag-atake sa panggugulo ng 100 rebelde sa isang istasyon ng pulis sa bayan ng Matanao kung saan dalawang pulis ang nasawi.

 

Show comments