Trader dinedo sa karinderya

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Niratrat at napatay ng di-kilalang lalaki ang 53-anyos na negosyante habang ito ay kumakain sa kanyang karinderya sa panulukan ng Camia Street at Queborac Drive sa Barangay Bagumbayan, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Naisugod pa sa Bicol Medical Center subalit namatay din ang biktimang si Eduardo “Dado” Moral aka Dado ng nasabing lungsod. Sa police report, lumilitaw na nag-aalmusal ang biktima sa pag-aaring Nora’s eatery nang lapitan at pagbabarilin sa harap ng kanyang kaibigan. Nagulatang naman at hindi nakapalag ang kaibigan matapos na masaksihan ang pagpatay sa biktima.

 

Show comments