Mister inutas sa death anniversary ng misis

CAMARINES NORTE, Philippines – Sinalubong ni kamatayan  ang 46-anyos na mister matapos itong saksakin ng kanyang bisita sa idinaos na death anniversary ng kanyang misis sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Simplicio Ranuco makaraang magtamo ng malalalim na saksak ng suspek na si William Napay ng Barangay Tinangis, bayan ng Pili, Camarines Sur. Nabatid sa ulat na hindi nagkasundo ang biktima at ang bisitang si Jayson Sarmiento kung saan hindi naman pinatulan ng mister dahil sa paggalang sa death anniversary ng kanyang misis. Lingid sa kaalaman ng biktima,  napikon ang suspek sa mga sinabi ng biktima laban sa kaibigang si Sarmiento kaya isinagawa ang pananaksak.

Show comments