BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 21 mangingisda makaraang masakote sa illegal fishing sa karagatang sakop ng Sitio Wawa, Barangay San Roque, bayan ng Hagonoy, Bulacan kahapon ng madaling araw.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 8550 (Illegal Fisheries Code of the Philippines) ang mga suspek na sina Elpidio Elibeto, Reynaldo Casas, Edwin Golitia, Jessie Ocod, Marvin Tremotsa, John Salam, Floro Delegente, Alex bayanar, Iluminado Hancao, Dante Betasa, Arjay Cotamora, Ryan Gonhoran, Aljhom Langit, Wilfredo Guarap, Dionisio Guarap, Henry Orsal, Rabbie Amarile,Garny Dolera, Gregorio Mir, Dante Espasia, at si Rochel Dolera na pawang nakatira sa Barangay Kapitbahayan, Navotas City.
Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Gerardo Andaya, narekober sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng isda at in-impound ang bangkang F/V Patricia Aaron na pag-aari ni Elibeto kung saan wala namang maipakitang kaukulang permiso para mangisda sa nasabing karagatan.