Hukom itinumba ng tandem sa Zambo

MANILA, Philippines – Utas ang isang regional trial court judge matapos tambangan ng armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo ngayong Biyernes sa Zamboanga City.

Nakilala ang hukom na si Reynerio Estacio ng Zamboanga City Regional Trial Court Branch 23.

Itinumba si Estacio sa harap mismo ng kanyang bahay.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng krimen.

Isa sa mga hinihinalang motibo ay may kinalaman sa kanyang trabaho.

Show comments