CAGAYAN , Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganin ang 27-pulis kabilang ang anim na opisyal nito makaraang ireklamo sa Ombudsman ng isang magsasaka na sinasabing tinorture, kinurÂyente para ipaamin ang mga kasong pagpatay sa utos ng dating alkalde ng Cagayan.
Sa 11-pahinang reklamo na isinumite ni Atty. Dickson Ayon-ayon na tumatayong abogado ng biktimang si Joey Cabeza, kinilala ang mga akusadong sina P/Supt. James Cipriano, Marlon Serna, Paulino Talosig, Gerry Roque at Rene Estabillo na may mga ranggong Senior Inspector; P/Chief Insp. Rene Estabillo, hepe ng Claveria PNP; SPO2 Valerton Solito, PO2 Richie Hernandez, at ang 20 iba pang pulis.
Nadiskubre ang insiÂdente matapos maipuslit ng ina ng biktima ang isang liham mula sa Cagayan Provincial Jail noong PebÂrero 18 kung saan isiniwat nito ang kanyang sinapit sa kamay ng mga pulis.
Si Cabeza ng Barangay Fula sa bayan ng Buguey, Cagayan ay kasalukuyang nakakulong sa nasabing piitan sa Aparri simula pa noong Enero 21, dalawang araw matapos siyang arestuhin sa bahay ng kanyang kamag-anak sa Barangay Taggat Sur, Claveria noong Enero 19 dahil sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code.
Base sa reklamo, isinaÂsangkot din ng mga akusado ang biktima sa pagpatay sa tiyuhin ni P/Supt. Cipriano na si Judge Andres Cipriano noong Mayo 18, 2010.
Maging ang serye ng patayan sa nasabing bayan ay ipinaamin sa biktima na sinasabing ipinag-utos umano ni ex-Buguey Mayor Licerio Antiporda III.
Dahil na rin sa matinding pagpapahirap na dinanas ng biktima ay napilitan siyang pumayag sa kagustuhan ng mga akusadong pulis kung saan pinapirma siya sa isang dokumento na hindi pa niya nababasa.
Sinikap naman kunin ang panig ng mga suspek subalit walang makapagbigay ng detalye sa nasabing insidente.