2 NPA sa Compostela Valley sumuko sa mga militar

MANILA, Philippines – Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Compostela Valley ang kusang sumuko sa mga awtoridad kagabi, ayon sa mga militar.

Nakilala ang dalawang dating miyembro ng NPA na sina Efraim Manlitok Pinanggot alyas “Jonnel,” at Jovanie Olmido Atabay alyas “Ban-Ban.”

Sinabi ni Armed Forces Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) spokesman Cpt. Alberto Caber na nagbaba ng armas sina Jonnel at Banban sa 28th Infantry Battalion sa Barangay Langgawisan sa bayan ng Marasugan bandang alas-8 ng gabi.

Dinala ang dalawa sa Maragusan Police Station upang pormal na maasikaso ang kanilang pagsuko.

Inamin nina Jonnel at Banban na pangingikil sa publiko ang kanilang ginagawa noong nasa poder pa ng NPA.

“The NPA underground mass organizations are initially organized by the left-leaning personalities for a cause-oriented purpose and later drawn to support the NPA when the members are already unknowingly drawn to the NPA struggle,” pahayag ni Caber.

 

Show comments