Ex-Army, 2 pa tiklo sa drug bust

BULACAN, Philippines — Tatlong katao kabilang ang isang ex-army at isang buntis ang nasakote ng pulisya matapos na magsagawa ng drug bust sa Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang mga suspek na sina Ercezel Natinggor 30, dating tauhan ng Phil. Army; Janjan Claro, 28, siyam na buwang buntis at Arielito Gonzales, 45, pawang nakatira sa Northville 6, Brgy. Santol sa naturang bayan. Base sa ulat ni P/CInsp.Voltaire Rivera dakong alas-10:45 ng umaga ay nagsagawa ng drug-bust ang lokal na Drug Enforcement Unit matapos na makatanggap ng ulat hinggil sa lantarang pagbebenta ng shabu ng mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Narekober mula sa mga ito ang 4 na sachet ng shabu, isang cal. 38 revolver, P500 marked money at mga drug paraphernalias.

 

Show comments