Pupil nalunod

MANILA, Philippines - Isang elementary school pupil ang nasawi matapos na malunod habang isa pa ang nawawala nang ta­ngayin ng malakas na agos sa Macalong River, Brgy. Pinmaludpod, Urdaneta City, Pangasinan nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Pangasinan Police, kinilala ang namatay na biktima na si Ciara Agosta, 11-anyos, Grade IV pupil.  Ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa Divine Mercy Hospital sa Urdaneta City habang ang nawawala naman at patuloy na pinaghahanap ng rescue team ay si Precy Santos, 14-anyos.

Bandang alas-3:30 ng hapon nang magkayayaan ang biktima at mga kamag-aral­ nito na maligo sa Macalong River sa nasabing lugar nang tangayin ng malakas na agos ang mga biktima.

Humingi ng tulong ang kanilang mga kamag-aral sa rescue team at narekober si Agosta, mahigit 15 minuto bago ang insidente na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay dead-on- arrival na ito. 

 

Show comments