Pipi't binging suspek sa rape-slay sa Cotabato timbog

MANILA, Philippines – Arestado ang isang pipe’t bingi na nasa likod ng panggagahasa at pagpatay sa isang anim na taong gulang na bababe sa Matalam, North Cotabato.

Kinilala ng Matalam municipal police ang suspek na si Marcelino Ordoñez, 26, sa tulong ng mga tauhan ng barangay.

Dinakip si Ordoñez matapos positibong kilalanin ng mga testigo na nakitang dinala ang biktima sa bandang ilog ng Barangay Santa Maria.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na may anim saksak.

Inihhanda na ng mga awtoridad ang kaso laban kay Ordoñez.

 

Show comments