Mag-asawa, apo minasaker

MANILA, Philippines - Brutal na kamata­yan ang sinapit ng mag-asawang matanda at kanilang apo habang kritikal naman ang isa pang anak makaraang pagpapaluin ng tubo at bugbugin ng mga di-kila­lang lalaki sa Barangay Switch Yakal, bayan ng Lantawan, Basilan kamakalawa.

Kinilala ang mag-asawa na sina Pablo Guerrero, 74; Teresa Guerrero, 72; at ang apo na si Trixie Stanley.

Samantala, kritikal naman ang isa pang anak ng mag-asawa na hindi natukoy ang pangalan at isa pang miyembro ng pamilya na nawawala.

Sa ulat ni P/Chief Ins­pector Basim Hassan, hepe ng Lantawan PNP, naganap ang krimen pa­sado alas-12 ng hapon sa bahay ng mag-asawa sa nasabing bayan.

Nadiskubre naman ng mga awtoridad na nawawala ang mamaha­ling kagamitan ng mag-asawa na pinaniniwalaang tinangay ng mga killer.

Lumilitaw pa sa im­bestigasyon na nagtungo lamang ang pamilya Guerrero sa nasabing barangay upang bisitahin ang kanilang lupain at mga pananim  na hindi akalain ng mga kamag-anak na hahantong sa malagim na bangungot ang pagbisita ng mag-asawang matanda.

Show comments