2 kidnaper arestado

BULACAN, Philippines - Dalawang lalaki na sinasabing dumukot sa magkaibigang bagets ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay San Martin IV, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal namang kinasuhan ang mga suspek na sina Januar Duran, 25; at Francis Sicat, 33,drayber ng pampasaherong bus at kapwa nakatira sa Area C, Brgy. San Martin IV sa nasabing lungsod. Ayon kay P/Supt. Joel Estaris, ang mga suspek ay panguna­hing mga suspek sa pagdukot sa dalawang tinedyer na mga nakatira sa Barangay Sta. Cruz V. Naipaabot ang krimen sa himpilan ng pulisya makaraang makatakas ang mga biktima sa kamay ng mga suspek habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments