3 Ampatuan, 15 pa huli sa drug raid
MANILA, Philippines - Inaresto ng mga elemento ng anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 18 katao kabilang dito ang tatlong miyembro ng pamilyang Ampatuan sa isang drug raid sa Cotabato City kahapon ng umaga.
Sa kanyang ulat kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr ni Director Yogi Felimon Ruiz ng PDEA - Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), ang mga arestadong suspek ay tatlong miyembro ng pamilyang Ampatuan na sina Nazzer, 57; Abubakar, 50; at Bainot, 51.
May 15 iba pa na hindi pinangalanan na sinasabing kasama ng tatlong Ampatuans ay kusang loob na sumuko sa mga awtoridad nang masakote ang tatlo.
Ang mga ito ay nasamsaman ng ilang sachet ng shabu at mga drug paraphernalias sa raid sa isang bahay sa Brgy. Rosary Heights 6, Cotabato City.
Kasalukuyan ng nakapiit sa PDEA detention cell sa lungsod ang mga suspek.
- Latest