^

Probinsiya

Ama ng comedian na si Jeffrey Tam, pinisak sa sagasa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit na kamatayan ng ama ng comedian/magician na si Jeffrey Tam matapos itong paulit-ulit na sagasaan upang tiyakin na hindi na mabubuhay pa nang mabundol sa Provincial Road, Brgy. Tongko, Tayabas City, Quezon kamakalawa ng madaling araw. 

Kinilala ang biktima na si Alfredo Francisco Tam, 67 anyos, negos­yante, residente ng Capitol Homesite Subdivision, Brgy. Cotta, Lucena City.

Sa ulat ng Quezon Police, isang tinukoy sa pangalang Gng. Encanto ang tumawag sa Tayabas City Police at iniulat ang isang duguang bangkay ng matandang lalaki na nakahandusay sa Provincial Road ng nasabing lugar.

Sa salaysay ng ginang, dakong alas-10 ng gabi ng makita nito ang isang kulay dilaw na SUV Isuzu Crosswind na walang plaka na nakaparada sa kanang bahagi ng nasabing highway na nakaharap sa direksyon patu­ngong Tayabas City.

Ilang saglit pa ay big­lang pumihit ang nasabing SUV sa kaliwang bahagi ng kalsada na sinundan ng pasulong at paatras nito na sobrang ingay umano na nasilip pa niya mula sa bintana ng kanilang tahanan.

Sinabi ng ginang na ilang minuto pa ay humarurot na patungo sa direksyon ng Lucena City ang behikulo kung saan laking gulat nito ng makita ang duguang matanda na nakahambalang sa kalsada.

Sa pagsisiyasat ng  Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Tayabas City Police ay kinakitaan ng mga bakas ng dugo mula sa gulong ng sasakyan ang kalsada kaya may teorya na matapos aksidenteng masaga­saan ay pinagulungan pa ng ilang ulit ng driver ng behikulo ang matanda upang tiyakin na hindi na ito mabubuhay pa.

Patuloy naman ang im­bestigasyon upang matukoy at mapanagot sa batas ang tumakas na driver.

ALFREDO FRANCISCO TAM

BRGY

CAPITOL HOMESITE SUBDIVISION

ISUZU CROSSWIND

JEFFREY TAM

LUCENA CITY

PROVINCIAL ROAD

TAYABAS CITY

TAYABAS CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with