^

Probinsiya

3 tiklo sa drug bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines   -  Tatlo-katao na sinasabing notoryus na drug pusher at nasa talaan ng drug personalities ang nasakote sa isinagawang drug bust operation sa bahagi ng Barangay Bancal, bayan ng Carmona, Cavite kahapon ng umaga. Sumasailalim sa tactical interrogation ang mag-utol na suspek na sina Antonio “Tony” Manguinao, 47; Angelito “Lito” Manguinao na kapwa nakatira sa nasabing barangay; at si Cathlyne Ballester, 20, ng AFP Housing, sa Barangay Bulihan, bayan ng Silang, Cavite. Sa ulat na nakarating kay P/Supt Mark Joseph Laygo, hepe ng Carmona PNP, ang mga suspek ay nasakote sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Divinagracia G. Bustos-Ongkeko ng Sta. Cruz Regional Trial Court Branch 91 sa Laguna. Nasamsam sa mga suspek ang apat na plastic sachet na shabu, 1 sachet ng marijuana, mga drug paraphernalia, walong cellphone, at P2, 900 cash.

 

BARANGAY BANCAL

BULIHAN

BUSTOS-ONGKEKO

CARMONA

CATHLYNE BALLESTER

CAVITE

CRUZ REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

JUDGE DIVINAGRACIA

MANGUINAO

SUPT MARK JOSEPH LAYGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with